Potassium Chloride Story
March 18, 2007
May natanggap akong comment mula kay Village Tickler (aka Gari) at ito yun
Hi MonMon.
When I was still busy in one of my bangketa, I had that same freaking out mirror image of mine. I asked around if it was me and most of my blogger-commenter said: yeah, it’s you, move on! and that was not me at all.
Ano daw? Wala lang
Village Tickler
PS: ingat ingat sa potassium chloride.
Ang totoo nabasa ko rin yung entry nyang ‘yon, yung tungkol sa lalaking may hawak yatang bata. Hinahanap ko nga iyon nang mailink sana sa sinulat kong Mirror Mirror on the Wall, kaso sa sobrang dalas nyang magblog, di ko makita.
Subalit hindi naman ‘yon yung gusto kong pagtuunan ng pansin. Nung nabasa ko yung PS nya na, “ingat ingat sa potassium chloride.” , natawa talaga ako kasi meron akong naalala. Umiyak kasi doon yung kaklase ko nung pinagpracticum sya on the spot ng Clinical Instructor namin sa isang pribadong ospital. Naglagay ang CI namin ng tatlong bote ng walang kulay na likdo sa tray, yung isa Plain NSS (tubig), yung isa 50% Glucose yata, at yung isa nga ay Potassium Chloride. Naihalo nya yung gamot sa Glucose (hindi sa Potassium Chloride hehe). Pinilit nyang alugin yung bote para matunaw yung gamot pero walang nangyayari, paano nga naman matutunaw ang gamot sa 50% glucose, super saturated na nun sa asukal, di ba? Sayang ang galing pamandin nyang mag demo kaso sablay kasi ‘di nya binasa yung labels nung mga kemikal sa harap nya.
Marahil naitype nya yung komentong yun dahil sa nakaraang balita tungkol dun sa batang iniksyunan ng kemikal na ito.
Ang potassium chloride ay isang kemikal na walang kulay, walang amoy at kasing labnaw ng tubig. Karaniwang ibinibigay ito sa mga taong nagkakaroon ng Hypokalemia o biglang pagbaba ng antas ng potassium sa katawan. Nakalagay ito sa isang transparent na bote na kasing laki ng pangkaraniwang bote ng plain NSS (tubig na may asin) na karaniwan namang ginagamit sa paghahalo ng mga pinulbos na gamot na pang iniksyon.
Ang pagkakatulad ng Potassium Chloride at ng Tubig ay sadyang di maipagkakamali kaya naman talagang dapat maging alerto ang isang Nurse sa pagbibigay ng mga gamot. Sadyang mapanganib ang kemikal na ito. Ayon sa aking narinig (subalit di ako sigurado kung totoo) isa ito sa mga ibinigay kay Leo Echegaray ng sya’y bitayin. Hindi rin basta basta ang paggamit bilang lunas sa Hypokalemia, kung hindi ako nagkakamali (hindi uli ako sigurado) hindi ito maaring diretsahang iturok sa maysakit. Kailangan muna itong i-side drip sa swero ng pasyente. Ayon nga sa Clinical Instructor ko, “Huwag na huwag kayong mag a-IV bolus ng Potassium Chloride kahit pa iutos ng Duktor. Hayaan nyo sya kung malakas ang loob nya.”
Leave a Reply